Ang bilis ng panahon

Parang last week lang nung unang umattend ako ng PE Class, at kinakabahan ako kasi wala akong kaibigan at kakilala sa Block section na classmates ko. At nung isa isang nagtawag ng estudyante si Sir Rey para maglaro ay nagtatago ako sa may likod ng stage. Lalo ngayon, absent ang kaisa isa kong kaibigan at kausap na si Alene, kasi may tigdas daw. San naman kayang lupalop niya nakuha yun? Sabagay, uso nga naman. Kaya lalo akong nawawalan ng ganang pumasok, wala kasi siya. Pero kelangan, kasi tatlo na absents ko. Pag umabsent pa ko, dropped out na ko sa subject. Si Prof mismo nagbabala sakin.

Marahil hindi napapansin ng iba ang bilis ng panahon, dahil abala sila sa kanilang ginagawa araw-araw. Hindi naman talaga masasabing mabilis ang oras, kundi nalilibang lamang ang tao sa araw-araw na kaabalahan. O kung hindi man abala ay nagugugol ang panahon sa mga makabagong paraan ng paglilibang ngayon. Kahit ako mismo ay nagugulat sa mabilis na paglipas ng panahon na tila hindi na mapipigilan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s